Si Yahuwshua ay Yahweh" Ito ang patotoong nabanggit sa mga Taga-Roma 10 : 9-10
Sapagkat kung ipahahayag ng iyong labi na “si Yahuwshua ay Yahweh” at buong pusong kang sasampalataya na Siya’y binuhay ng Kapangyarihan mula sa mga patay, ikaw ay maliligtas.
Dahil sa pamamagitan ng puso ang tao ay nananampalataya upang mabigyan ng katuwiran, ngunit sa pamamagitan ng labi ipanahahayag ang patotoo upang maligtas.
Itong grupong ito ay nilikha upang ipahayag ang tunay na Mabuting Balita ng Kaharian ni Yahweh at kung paano natin iingatan ang ating pananampalataya, pagiging tapat sa Kanya at pagpapahayag ng Kanyang Patotoo (Testimony), upang tayo'y makapapasok nang buhay sa Kanyang Kaharian sa pagdating ng panahon
Ang grupo ay bukas sa sinumang naghahanap ng Katotohanan at nagnanais matuto sa mga kapatirang nakararanas na ng tunay na kapayapaan, pagkakasundo, at pagiging ganap (shalowm) mula kay Yahweh Yahuwshua dahil sa pananampalataya at pagtanggap sa Kanyang Patotoo. Inaanyayahan namin kayong pumunta sa www.yahuwshua.org upang magdownload ng libreng kasulatan (scriptures) at pag-aralan ang mga ito.
Hindi namin pinahihintulutan ang paggamit ng ibang pangalan o tawag sa ating Mga Makapangyarihan maliban lamang sa pangalang Yahweh Yahuwshua. Tayo ay patuloy na magsaliksik , mag-aral, paniwalaan at ipahayag ang Katotohanan sa Kanyang Dakilang Pangalan.